Woohoo! RN na ako! Ano na?

PND

“Woohoo! RN na ako! Ano na?” — an unofficial, supposed step-by-step instructions and a “follow-at-your-own-risk” guide for new RNs who don’t know what to do after passing the NLE (December 2010 Nursing Board Exam Successful Examinees edition).

To reiterate, this is UNOFFICIAL, UNOFFICIAL, UNOFFICIAL. The PRC, PNA, BON, CHED, DepEd, DOLE, DOH, DFA, CIA, FBI or any other government agency has nothing to do with this. Everything that you will read below is purely based on past experiences of fellow RNs. Including me.

Tandaan: Huwag sundin kung ayaw mo. Huwag basahin kung ayaw mo. In fact, close mo na ang browser. Seryoso. Huwag mo ng basahin. Still there? Ok sige, walang sisihan, wala akong kasalanan. Rakenrol. Ito na:

Step 1. Intay ng result after 42 working days. “Yaay pasado ako!!!”

Step 2. Hindi ka makapaniwala. Tignan ang pangalan sa diyaryo, or sa internet ng paulit-ulit.

Step 3. Celebration. “Yaay talagang pasado ako!!!” Tugs, tugs, tugs. So magpapa-katay na ng baboy, baka, manok, kalabaw or aso. Gagawan ka na ng banner, malaking tarpaulin o di kaya makeshift na signboard sa tapat ng bahay niyo na nakalagay, “Congratulations (insert your name here)!!! You make us proud. We love you!!!”

Step 4. Mamili kung saan gustong umattend ng mass oath-taking ceremony

  • Para sa mga GUSTO umattend ng mass oath-taking ceremony sa SMX Mall of Asia: mag log-in sa http://www.nurseoathtaking.net para makakuha ng PRIORITY NUMBER/SLIP para sa oath-taking ticket na bibilhin sa PNA.
  • Sabi ng PRC at PNA, kung wala kang PRIORITY SLIP, walang OATH-TAKING tickets (Source: http://www.prc.gov.ph/articles.asp?sid=4&aid=4017). Parang NO ID, NO ENTRY lang ‘yan kaya huwag ng makulit at kumuha na lang ng PRIORITY SLIP, okay?

  • Para sa mga HINDI a-attend ng oath-taking ceremony sa SMX Mall of Asia (provincial): intay na lang kayo sa announcement ng PRC kung kailan at saan ang oath-taking ceremony niyo.
  • Para sa mga AYAW umattend ng mass oath-taking ceremony NA MAY BAYAD: pwede mag oath-taking sa PRC sa mismong araw ng initial registration (see Step 7 below). WALANG  BAYAD! Kasama na sa initial registration fee ang pag-take ng oath sa PRC.
  • Para sa mga gustong umattend ng mass oath-taking ceremony sa SMX Mall of Asia pero hindi naman sa Maynila nag-exam at para sa mga nag-exam sa Maynila pero ayaw naman sa SMX Mall of Asia umattend ng mass oath-taking ceremony: WALANG KASO kahit saan ka pa umattend.

Step 5. Bumili ng ticket para sa oath-taking ceremony

Para sa mga gusto umattend ng oath-taking ceremony sa SMX Mall of Asia: pumunta sa Philippine Nurses Association (PNA) sa araw na nakasaad sa PRIORITY SLIP para bumili ng tickets (i-click ang link para sa DIRECTIONS at MAPA papuntang PNA: http://www.philippinenursingdirectory.com/2011/02/07/oath-taking-schedule-for-december-2010-nursing-board-exam-successful-examinees-metro-manila/).

Dalhin ang mga sumusunod sa araw na bibili na ng ticket sa PNA:

Kung ayaw mo pumunta sa PNA para bumili ng ticket, pwede ka magpadala ng representative na may valid ID. Bigyan mo siya ng authorization letter at ipadala sa kanya ang mga requirements sa taas.

Basahin dito kung MAGKANO ang OATH-TAKING TICKETS, schedule ng SCHOOLS at kung ilan ang pwedeng guests: PRC-BON Schedule of Schools for the March 14 and 15, 2011 Oath-taking Ceremony (SMX)

Pwede kahit sino ang guest mo. Pwede si Nanay, Tatay, Kuya, Ate, Tito, Tita, Lolo, Lola, Bestfriend, Boyfriend, Girlfriend, Ka-On, Ka-MU, Ka-Fling, Booty Call, It’s Complicated, Fiance, Kapitbahay, In-Laws or kahit si Yaya kung wala ka talagang makuha na kukuha ng picture mo.

Para sa mga hindi a-attend ng oath-taking ceremony sa SMX Mall of Asia (provincial): intay na lang kayo sa announcement ng PRC kung saan kayo bibili ng ticket para sa oath-taking ceremony sa area niyo.

Step 6. Attend na ng oath-taking ceremony. Hanap ng friends, ayos ng make-up, paputiin lalo ang white duty shoes, picture picture, oath-oath. Nightingale Pledge. Clap clap. Picture picture ulit. Kainan na. More pictures. Uwi sa bahay. Upload sa FB ang sankatutak na pictures. Tandaan, walang ipapasa na oath form sa araw na ito. As in wala. Ticket lang ang dadalhin mo. Tsaka ang iyong napiling guest. (i-click ang link para malaman kung ano ang dapat mong suotin sa araw ng mass oath-taking ceremony: http://www.philippinenursingdirectory.com/2011/02/07/oath-taking-schedule-for-december-2010-nursing-board-exam-successful-examinees-metro-manila/).

Step 7. Initial Registration na sa PRC. Intayin ang initial registration schedule na i-a-announce. Alphabetically-arranged ang pag-dagsa sa PRC or kung saan mang venue (see schedule below). Pumunta lamang sa araw kung kailan ka dapat mag-register. Kung Z ang first letter ng surname mo, huwag kang pumunta at mag-register sa araw na naka-schedule para sa mga letter A ang first letter ng surname. Magdala ng tubig, candy, bimpo, tissue, iPod, PSP, pamaypay, maghanap ng kausap, lapis, ballpen, etc. Maghanda sa dami ng madlang nurses na pupunta. Asahan mo na masikip at matagal ang intayan sa PRC. Mahaba ang pila at sobrang init.

Pwede ka na din mag-request ng sa araw ng initial registration ng:

Kung ayaw mo sumabay sa crowd, pwedeng mag-register kapag tapos na lahat mag-register. Ako ganun ang ginawa ko. 10 minutes lang, tapos na ako sa registration ko.

PWEDENG mag-register sa PRC AFTER the schedule na binigay nila. Ang schedule na iyon ay para lamang ma-control ang crowd. Crowd control, capice? WALANG PENALTY kung LATE REGISTRANT KA. Usually, sa PRC na ang punta mo kung late ka na magre-register.

Basahin dito ang INSTRUCTIONS, REQUIREMENTS at MAGKANO ang BABAYARAN sa araw ng INITIAL REGISTRATION: http://www.philippinenursingdirectory.com/2011/02/20/prc-initial-registration-instructions-for-december-2010-nursing-board-exam-passers/

PRC Initial Registration Schedule of December 2010 Nursing Board Exam Successful Examinees (Metro Manila and Pampanga)

PRC Initial Registration Schedule of December 2010 Nursing Board Exam Successful Examinees (Cebu)

PRC Initial Registration Schedule of December 2010 Nursing Board Exam Successful Examinees (Dagupan)

Kung ang INITIAL REGISTRATION day mo ay mauuna sa MASS OATH-TAKING CEREMONY, WALANG PROBLEMA. Sundin mo na lang ang schedule na binigay ng PNA (Oath-taking) at ng PRC (Initial Registration).

Step 8. Itago at huwag iwala ang claim stub. Ang claim stub na ibibigay sa’yo pagkatapos ng initial registration ay para ma-claim mo ang Professional License Card at Certificate of Registration/Board Certificate.

Step 9. Kunin ang Professional License Card at Certificate of Registration/Board Certificate sa PRC. Bumalik sa PRC sa araw na nakasaad sa claim stub. Minsan inaabot ng 2 months, 3 months, 6 months ang intayan. Yung iba nga, nakaalis na ng bansa, wala pa din. May kakilala ako na umalis at nakabalik na ng Pilipinas, wala pa din.

Step 10. Yun na yun. That’s it pansit. Hanap ka na ng trabaho kapag nakuha mo na ang lisensya mo. Good luck!!! :)

Admin Note: The instructions may seem OBVIOUS, REDUNDANT and OVERLY-EXPLAINED but only because of the nature of QUESTIONS that was thrown at me by previous nursing board exam successful examinees. This compilation is based on those questions and was made for the purpose of making it easier for me to answer queries in this website. Many thanks to janggo, squeegee, fei and RNdrei.

Use of Information Policy: All content provided on this website is for informational purposes only. The administrator of this website makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this website or found by following any link on this website. The administrator will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information and for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.

Disclaimer: Comments posted in this website are those of the readers and do not necessarily reflect the position of PND. PND does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.